^

Punto Mo

Dahil sa insurance: Misis, pinlano ang pagpatay sa mister noong Valentines day

- Arnel Medina - Pang-masa

MALAGIM ang nangyari noong Valentine’s Day noong 2010 sa Georgia. Natagpuang patay si Richard Schoeck sa labas ng kanyang sasakyan at may tama ng bala sa tiyan at mukha.

Nang gabing iyon, may usapan si Richard at asawang si Stacey na magkikita sa Belton Bridge Park para mag-exchange cards. Nakaugalian na umano nila iyon tuwing Valentine’s Day.

Subalit nang mag-alas nuwebe ng gabi, nakatanggap ang mga police ng tawag mula kay Stacey na nagsasabing natagpuang patay ang kanyang asawa.

Hindi agad naging suspect ng pulisya si Stacey. Nagsagawa sila ng research. Nalaman na may pending na life insurance pala si Richard na ang halaga ay $560,000 at ang nag-iisang bene­ficiary ay si Stacey. Isa pang nabisto ay ang pakikipagrelasyon ni Stacey sa ibang lalaki.

Dahil doon, pinlano ni Stacey na patayin ang asawa para ma-claim ang insurance. Subalit hindi siya nag-iisa. Ni-recruit niya ang dating employee na si Lynitra Ross at ang kanyang personal trainer na si Reginald Coleman.

Sa court record, binaril ni Coleman, isang dating bilanggo si Richard sa Belton Bridge Park sa pagitan ng 8:40 p.m. at 9 p.m.

Kinasuhan ang tatlo ng murder.

--- www.ranker.com—

vuukle comment

BELTON BRIDGE PARK

COLEMAN

DAHIL

ISA

LYNITRA ROSS

REGINALD COLEMAN

RICHARD SCHOECK

STACEY

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with