^

Punto Mo

Lasenggo, ibinenta ang asawa para may maibili ng alak

- Arnel Medina - Pang-masa

GRABE na ang pagiging alcoholic ni Pundlik Chavan ng Akola, Mumbai, India. Hindi na mapigilan ang kanyang pagkahumaling sa alak. At para matustusan ang kanyang bisyo, naisip niyang ibenta ang kanyang asawang si Sangita.

Ang matindi, ipinagbili niya ang asawa sa mismong kaibigan niya na si Ganesh Walode. Ibinenta niya ng 25,000 Rupees ang asawa. Nangyari ang bilihan noong Hunyo 2013. Isinama ni Ganesh si Sangita.

Subalit ang ginawa ni Pundlik ay nalaman ng kapatid ni Sangita at nagsumbong sa mga pulis. Agad inaresto ng mga pulis si Pundlik at sinampahan ng kaso.

Sa harap ng mga pulis, agad namang niyaya ng kapatid si Sangita para umuwi. Pero ganoon na lamang ang gulat ng kapatid nang sa­bihin ni Sangita na minamahal niya si Ganesh. Napamahal siya kay Ganesh mula nang bilhin siya nito kay Pundlik.

vuukle comment

AKOLA

GANESH

GANESH WALODE

HUNYO

IBINENTA

ISINAMA

PUNDLIK

PUNDLIK CHAVAN

SANGITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with