^

Punto Mo

Pasugalan

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGMAMATYAG ang sambayanan kung ano ang posisyon nina CIDG director Chief Supt. Benjie Magalong at NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria sa illegal gambling. Hindi lang ang kapulisan, kundi ma­ging ang gambling lords at mga trabahador nila, ang nag-aabang ng mga katagang mamutawi sa bibig nina Magalong at Valmoria laban sa pasugalan. Matatandaan na mahigpit na iniutos ni DILG Sec. Mar Roxas ang “no take” policy sa pasugalan, at ang CIDG at NCRPO ay kabilang sa mahigpit na nagpatupad nito. Nitong nagdaang mga araw kasi mga kosa, sinibak na sa puwesto si dating CIDG chief Dir. Frank Uyami at si NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo naman ay na-promote bilang Chief of Directorial Staff ng PNP. Ipagpatuloy kaya nina Valmoria at Magalong ang “no take” policy ni Roxas? ‘Yan ang tanong ng video karera queen ng Maynila na si Gina Gutierrez, at mga bookies operator na sina SPO2 Gener Presnedi at Delfin Pasya. Hehehe! Mismo!

Kung sabagay, hindi lang sina Gutierrez, Presnedi at Pasya ang nag-aabang sa CIDG at NCRPO kundi maging ang mga pulis sa buong bansa. Noong kasagsagan kasi nang malawakang kampanya ng CIDG laban sa pasugalan, hindi lang ang tabakuhan sa Metro Manila ang nagulo kundi maging ang sa iba’t ibang bahagi ng bansa, di ba mga kosa? Kaya diyeta din ang kapulisan. At kung iisnabin ng CIDG at NCRPO ang “no take” policy ni Roxas ngayon, tiyak magsasayaw sa tuwa ang mga kapulisan dahil “happy days are here again.” Ang ibig kong sabihin mga kosa, kapag nag-umpisang mangolekta ng lingguhang intelihensiya ang CIDG at NCRPO, siyempre hudyat ito sa mga regional, district, provincial, local at iba’t iba pang ope­rating units ng PNP na sundan ang yapak nila. Get’s n’yo mga kosa?

Subalit hanggang kahapon ay hindi pa nagbigay ng linaw sina Valmoria at Magalong, na kapwa miyembro ng PMA Class ‘82, kung ano ang saloobin nila tungkol sa kampanya laban sa pasugalan. Maraming tsismis ang kumakalat kung sinu-sino ang gagamitin ng CIDG at NCRPO bilang tong collector subalit nanatili itong tsismis dahil wala pa namang kalalakihang umiikot para kausapin ang gambling lords ukol sa weekly tara nila. May ugong din na mga bidding pero nanatili rin itong ugong. Kaya’t ano ba talaga Gen’s. Valmoria at Magalong Sirs? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ’yan!

Kung ipagpapatuloy naman nina Valmoria at Magalong ang “no take” policy ni Roxas, tiyak ang tatamaan ay ang dumadaming mahihirap na Pinoy. Sa pagtaas ng singil ng kuryente at cooking gas, iindahin talaga ng mahihirap na wala namang makuhang trabaho na angkop sa kanila dahil inuuna ng gobyerno ang mga nasalanta ni Yolanda. Sa records kasi ng DOLE, maraming trabaho ang available subalit hindi ma-fill-up dahil hindi angkop ang skills ng mga aplikante sa pangangailangan ng market. Kaya marami ang walang trabaho, kasama na rito ang madi-displace na trabahador ng mga pasugalan. At sinisiguro ng mga kosa ko na hindi magiging merry ang Pasko nang mahihirap na Pinoy. At habang naghihikahos ang mahihirap, ang naapektuhan ay ang presidential ambition ni Roxas, di ba mga kosa? Sa totoo lang, ang paghigpit niya sa pasugalan ang isa sa humahatak pababa sa tsansa ni Roxas na maging presidente. At ang payo ng mga kosa ko kay Roxas, tagpasin n’ya ang leeg ng nagsuhestiyon sa kanya na ipatupad ang “no take” policy sa illegal gambling dahil hindi ang kapakanan niya sa pulitika ang iniisip kundi ang sariling bulsa. Abangan!

vuukle comment

BENJIE MAGALONG

CHIEF SUPT

CIDG

KAYA

MAGALONG

ROXAS

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with