^

Punto Mo

Lalo pang lumala ang Zambo crisis

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MAHIGIT isang linggo na ang krisis sa Zamboanga City. Nakababad doon si President Noynoy Aquino, DILG Sec. Mar Roxas, Defense Sec. Voltaire Gazmin at DSWD Sec. Dinky Soliman at pinangangasiwaan ang pagresolba sa krisis.

Sina Roxas at Gazmin ang mga punong abala sa pagresolba sa krisis pero hindi raw umuubra ang kanilang mga estratehiya. Sa halip na matapos ang krisis, lumala pa ang sitwasyon matapos i-hostage ng MNLF ang chief of police ng Zamboanga at mga tauhan nito at ginawang human shield.

Para sa akin, ang kailangang gawin ng gobyerno ay magkaroon ng negosasyon. Dapat magkaroon muna ng ceasefire para makapag-usap sa pagpapalaya ng mga bihag ng MNLF. Kung ipipilit ang paglusob ng military, lalong lulubha ang problema at pinsala sa lugar.

Baguhin ni P-Noy ang namumuno sa crisis committee. Patabihin muna si Roxas at baka maresolba ang krisis. Sa problemang ito, mahalaga ang papel ng local leaders dahil maaaring sila ang kinikilala ng MNLF at kapwa nila Muslim.

Kung hindi naman mapapatabi si Roxas, makakabuting magkaroon ito ng katuwang na Muslim leader na maaaring pakinggan ni Nur Misuari. Nararapat nang matapos ang krisis at mailigtas ang mga bihag.

Habang tumatagal ang krisis maraming kababayan natin ang nahihirapan lalo na ang mga lumikas  na naipit sa kaguluhan.

Magkaroon ng pag-uusap pero isulong din ang pagpaparusa sa mga sumalakay na naging dahilan ng pagkamatay ng sundalo, pulis at sibilyan.

vuukle comment

DEFENSE SEC

DINKY SOLIMAN

KRISIS

MAR ROXAS

NUR MISUARI

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

ROXAS

SINA ROXAS

VOLTAIRE GAZMIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with