^

Punto Mo

Magkasintahang nagkahiwalay ng 16 na taon, muling nagkita at nagpakasal

- Arnel Medina - Pang-masa

MAYROONG magkasintahan na sa kabila na nagka­hiwalay nang matagal na panahon ay nanatiling tapat sa isa’t isa at umaasang magkikita pa sila. Kagaya nang nangyari kina Steve Smith at Carmen Ruiz-Perez. Nagkahiwalay sila ng 16 na taon at muling nagkita noong 2009. Sobra-sobra ang kaligayahan na kanilang nadama nang magkita. Pareho pa rin silang single at ipinasya nilang magpakasal. Pareho na silang 42-anyos nang magpakasal.

Nagkakilala ang da­lawa noong sila ay kapwa 20-anyos. Naging foreign exchange student sa England­ si Carmen. Nagmula sa France si Carmen. Si Steve ay estudyante rin sa unibersidad na pinag-aralan ni Carmen.

Niligawan ni Steve si Carmen at madali namang tinanggap ni Carmen. Compatible sila sa isa’t isa. Lagi silang magkasama at bawat oras nila ay punumpuno ng masasayang sandali. Tala­gang mahal nila ang isa’t isa.

Subalit bigla silang nagkahiwalay. Isang pangyayari ang naganap sa pamilya ni Carmen kaya kinailangan niyang magbalik sa France. Mula noon ay nawalan na sila ng komunikasyon.

Lingid kay Carmen, sinulatan pala siya ni Steve makalipas ang isang taon. Ang sulat ay natanggap ng nanay ni Carmen. Ipinatong ang sulat sa isang mantel na malapit sa fireplace. Nilipad ng hangin ang sulat at napunta sa likod ng fireplace. Nang magkaroon ng renovation ang fireplace pagkalipas ng 16 na taon, saka lamang nakita ang sulat ni Steve.

Nang ibigay ang sulat kay Carmen, agad niya itong binasa at nakasaad doon ang madamdamin at punumpuno ng pag-ibig na pangungumusta ni Steve. Tinatanong ni Steve kung single pa siya. Kung single, gusto niyang magkita sila. Sana raw ay sagutin ni Carmen ang sulat.

Halos mapaiyak si Carmen sa sulat. Akala niya nakalimutan na siya ni Steve. Gusto man niya raw na sulatan noon si Steve ay hindi niya nagawa at baka mayroon na itong ibang minamahal.

Nagkaroon ng komunikasyon ang dalawa at nagkasundong magkita sa Paris.

Nang magkita, umaapaw sila sa kaligayahan. Hindi nila akalain na magkikita pa after 16 years. Noon din ay pinlano nila ang pagpapakasal.

Naganap nga iyon noong 2009. (www.oddee.com)

 

vuukle comment

CARMEN

CARMEN RUIZ-PEREZ

NANG

PAREHO

SI STEVE

SILA

STEVE

STEVE SMITH

SULAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with