^

Punto Mo

Ina, gustong manalo ng Nintendo Game Player, sumali sa paramihan nang maiinom na tubig, na-overdosed

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LAHAT ay gagawin ng ina para sa kanyang mga anak kahit pa kanyang ikamatay. Gaya nang nangyari kay Jennifer Lea Strange. Namatay si Strange dahil sa sobrang inom ng tubig at pagpigil sa pag-ihi. Sumali siya para manalo ng Nintendo game player Wii para sa kanyang dalawang anak.

Ang contest para sa paramihan nang nainom na tubig ay inilunsad ng isang radio station na pinamagatang “Hold Your Wee for a Wii”. Ang premyo ay Wii game player mula sa Nintendo. Marami ang sumali at isa nga si Strange sa mga sumugod sa radio station.

Kaya raw niyang uminom nang maraming tubig. Sinimulan ang contest at naka-consumed nang maraming tubig si Strange. Pinigil din niya ang pag-ihi.

Subalit pagkatapos ng contest, nag-collapsed si Strange at pagkaraan ng ilang oras ay namatay ito sa ospital. Ang dahilan ng kamatayan ay water intoxication o hyper-hydration. Nagkaroon ng fatal disturbance sa utak nang ang electrolytes ay mawala sa normal balance.

Sinampahan ng kaso ang radio station.

Hindi naman nabatid kung nakuha ni Strange ang premyong Nintendo Wii.

Napag-alaman na ang halaga ng Wii ay $250. Iyon lang pala ang katumbas ng buhay ni Strange. (www.oddee.com)

vuukle comment

GAYA

HOLD YOUR WEE

IYON

JENNIFER LEA STRANGE

KAYA

MARAMI

NINTENDO

NINTENDO WII

STRANGE

WII

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with