^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa mga magmamaneho nang lasing at bangag sa droga

Pang-masa

AYON sa Metro Manila Development Authority (MMDA) karamihan ng mga nangyayaring aksidente sa sasakyan sa Metro Manila ay dahil lasing ang drayber. Dumadami nang dumadami ang aksidente at nakakaalarma na sapagkat maraming motorista at pedestrians ang nadadamay. Maraming namamatay sa pagmamaneho nang lasing. Ayon pa sa MMDA, karaniwang nangyayari ang aksidente sa madaling araw. Mayroong sasakyan na bumabangga sa poste, pader, at madalas din na may inaararong kabahayan o mga taong naglalakad at naghihintay ng sasakyan. Pati mga kawawang nasa gilid ng kalsada ay idinadamay ng mga lasing na driver.

Ang ganitong mga malalagim na aksidente na dulot ng pagmamaneho nang lasing ay maaari nang ma­tuldukan. Noong Huwebes ay nilagdaan na ni President Noynoy Aquino ang Republic Act 10586 o ang “Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013”. Sa ilalim ng batas, ang sinumang mahuhuli na nagmamaneho na nasa impluwensiya ng alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Bibigat naman ang parusa kapag mayroong napinsala at namatay. Magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 kapag may napinsala at namatay kapag napatunayang nagmaneho nang lasing o kaya’y lango sa droga. May katapat din naman itong mahabang pagkakakulong.

Napapanahon ang pagsasabatas ng RA 10586. Ginagawa nang bisyo ang pagmamaneho habang lasing o kaya’y bangag sa droga. Inilalagay sa panganib ang buhay ng ibang tao at sumisira ng ari-arian. Nararapat namang maipatupad ang paghuli sa mga lasing na drayber. Magkaroon nang sapat na gamit para madetect nang agaran ang mga lasing at bangag. Hindi naman sana masuhulan ang traffic enforcer na huhuli sa mga lasing.

 

vuukle comment

DRIVING ACT

LASING

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANG

NOONG HUWEBES

PRESIDENT NOYNOY AQUINO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with