^

Punto Mo

P3,000 ‘lagay’, ginagawa sa opisina ng CIDG sa Crame

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

PUPUGAK-PUGAK na ang kampanya ng Criminal Inves-tigation and Detection Group (CIDG) at Intelligence Group (IG) laban sa jueteng. Nitong nagdaang mga araw kasi mga kosa, tahimik ang mga bataan nina CIDG director Chief Supt. Frank “Tsunami” Uyami at IG director Chief Supt. Abe Villacorta at wala na akong naulinigan na may na-raid silang jueteng joint. Hindi tulad ng unang salpukan na halos araw-araw ay may accomplishments sila. Itong nalalapit na May 13 election kaya ang dahilan? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kung sabagay busy sa ngayon ang CIDG sa ilalim ni Sr. Supt. Kit Singian, sa kaso na kinasangkutan ni Pulupandan, Negros Occ. Mayor Magdaleno Peña kung saan halos 90 high-powered firearms ang nasamsam nila. May pagkataon pa kayang manumbalik ang sigla ng kampanya ng CIDG at IG laban sa jueteng? Sabi ng mga kausap ko sa Camp Crame na baka uminit na muli ang kampanya ng dalawang unit ng PNP pagkatapos ng election. Tingnan natin.

May balita pa ako na kung manghuli man ang mga bataan ni Tsunami ng illegal gambling sa ngayon, inaayos na lang ng tig-P3,000 kada tao sa opisina mismo ng CIDG sa Camp Crame. Anooo?

Habang lumalamig naman ang mga bataan ni  Uyami sa kampanya nila, nag-iingay naman ang kalye ukol sa mga tiwaling tauhan niya. Ang latest kasi mga kosa, mukhang hindi rin natiis ni Tsunami ang “no take, no contact” policy na iniatang sa kanya ni DILG Sec. Mar Roxas. Sa ngayon kasi, usap-usapan sa kalye na maari nang kausapin ang tropa ni Tsunami tungkol sa lingguhang intelihensiya at ang mga pangalang binabanggit ay Ariza at Gano. At ang isa sa mga point man ng dalawa ay si SPO1 Robert Eblahan. Si Ariza ay dating intelligence chief ng Pasig City police noong si Tsunami pa ang hepe roon. Kaya may tiwala si Tsunami sa kanya. Get’s n’yo mga kosa? Umabot na kaya kay Uyami ang usap-usapan sa kalye sa lahat ng sulok ng bansa? Puwede, di ba mga kosa?

Subalit kung si Dir. Cipriano Querol, ang hepe ng Directorate for Intelligence (DI) ng PNP ang tatanungin, black propaganda lang ang balita na kumukubra na ng lingguhang intelihensiya ang tropa ni Uyami. Inaasahan naman ni Querol ang ganitong black propaganda hindi lang sa media kundi maging sa Facebook at Twitter kung saan ang CIDG at IG ay sisiraan para magkaroon ng duda sa magandang hangarin nila na ipasara ang jueteng sa bansa. Siyempre, ang nasa likod ng black propaganda, ani Querol, ay ang mga gambling lords na tinatamaan ng kaliwa’t kanang raid ng CIDG at IG nga. Kung sa akala ng mga gambling lords ay mabubuwag ang CIDG at IG units na nangunguna sa laban sa jueteng, eh nagkamali sila, ani Querol. Hindi papayag si Querol na bumalik ang dating sigla ng jueteng sa bansa. Tingnan natin...

Para naman makontra ang black propaganda ng gambling lords, inutusan ni Querol ang CIDG at IG na ilabas sa media ang mga accomplishments nila. ‘Yan ay kung may gana pa silang mang­huli ha. Kung sabagay, wala pa namang huminto na gambling lord mula nang magsagawa ng kampanya laban sa illegal gambling ang CIDG at IG, di ba mga kosa?

May karugtong!

vuukle comment

ABE VILLACORTA

CAMP CRAME

CHIEF SUPT

CIDG

CIPRIANO QUEROL

KUNG

QUEROL

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with