^

Punto Mo

EDITORYAL - Pag-ibayuhin ng Comelec pagbaklas sa illegal posters

Pang-masa

WALA nang sinusunod ang mga kandidato sa paglalagay o pagkakabit ng kanilang campaign posters at streamers. Kahit saan-saan na lang ang pagkakabit. Hindi na sinusunod na dapat ay sa common designated areas ikakabit ang mga posters. Maraming lugar sa Metro Manila na halos magdilim na dahil sa maraming nakakabit at nakasabit na posters, streamers at banners. At habang papalapit ang May 13 elections, lalo pang pinag-iibayo ng mga kandidato ang pagkakabit ng posters sa mga bawal na lugar.

Pero sabi ng Commission on Elections (Comelec) hindi sila titigil hangga’t hindi napapagpaliwanag ang mga kandidatong lumalabag sa batas. Ipatatawag nila ang mga kandidatong hindi sumusunod sa alituntunin ng Comelec. Hindi raw sila natutulog sa puwesto at nakikita ang mga ginagawa ng kandidato.

Noong Martes, pinagtatanggal ng Comelec ang maraming illegal posters sa Parañaque. Katulong ang Philippine National Police (PNP) at Metro Manila Development Authority (MMDA), unang binaklas ang mga posters na nakadikit sa may Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa Sucat. Bukod sa paglabag sa paglalagay ng posters sa hindi designates areas, marami ring campaign materials ang sobra sa sukat. Bukod sa mga nakadikit sa pader, marami ring streamer ang nakakabit sa mga punongkahoy at kahit sa mga waiting shed ay may nakadikit. Pati ang mga stop light at mga kawad ng cable ay sinasabitan din. Sabi ng Comelec, hindi nila hahayaan ang mga kandidato na maglagay nang maglagay ng posters sa mga bawal na lugar.

Tama lamang ang ginagawa ng Comelec pero sana hindi lamang sa Parañaque magsagawa ng pagbabaklas. Napakaraming lugar sa Metro Manila na namumutiktik sa campaign posters. Ipakita ng Comelec na gagamit sila ng “kamay na bakal” sa mga pasaway na kandidato. Ipatupad ang batas sa lahat ng kandidato. Kung hindi magiging matigas, aabuso ang mga kandidato at walang mangyayari sa bansang ito.

vuukle comment

BUKOD

COMELEC

KANDIDATO

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

POSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with