^

PSN Showbiz

US Top Model gustong ipalit ni Daniel Matsunaga kay Erich!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
US Top Model gustong ipalit ni Daniel Matsunaga kay Erich!

Karolina Pisarek, Daniel Matsunaga at Erich Gonzales

US-based top model pala ang nililigawan ngayon ni Daniel Matsunaga. Yup, nagngangalang Karolina Pisarek. Na ayon sa source ay nakilala ng ex ni Erich Gonzales sa isang bar dito sa Manila nang magbakasyon last September kasama ang kaibigan ding model na nag-model for Bench,  si Ivo Buchta.

Sinundan pa nga raw ni Daniel sa El Nido, Palawan nang magbakasyon si Karolina at mga kaibigan kasama na ang isang Pinoy photographer na based din sa US.

Kaya naman bina-background check daw ng friend ni Karolina si Daniel as in nagtatanong-tanong ang mga ito sa ilang mga kakilalang Pinoy tungkol sa Brazilian actor na in all fairness ay hataw ngayon sa paggawa ng mga pelikula.

First time raw ni Karolina sa bansa at ayon sa mga nakasama nitong mag-lunch and dinner, walang ere ang modelo at simple lang ‘pag walang make-up kahit sikat na. And she loves the Philippines ayon pa sa source.

Hindi masabi-sabi ni Daniel sa mga interview ang pangalan ng nasabing model sa tuwing tatanungin siya. Pero makikitang panay ang pagpupuso niya sa mga post ng modelong nanggaling sa Polish reality show na pattern sa America’s Top Next Model ni Tyra Banks.

Poland ang country of origin ni Karolina.

Nadine, James at Sarah

James tuloy na ang pagiging apo kay Sarah

Kinumpirma na ni James Reid na kasama siya sa pelikulang gagawin ni Sarah Geronimo na 20 Again, ang Pinoy adaptation ng Korean hit film na Miss Granny.

Sa ASAP last Sunday niya ito sinabi. “Have you seen the Zac Efron movie  17 Again’? It’s like that,” sabi ng actor kung saan gaganap na lola niya si Sarah.

Tungkol sa isang lola na 70 years old ang movie na bumalik ang katawan sa kabataan na kaedad ng kanyang apo.

Pero hindi kasama sa movie si Nadine Lustre. “No, not in this movie but she will also have her own solo movie.”

Chinggoy

Goodbye Tito Chinggoy…

Rest in Peace tito Chinggoy Alonzo.

Namaalam na ang magaling na actor at Cinema Evaluation Board (CEB) member Chinggoy Alonzo noong Linggo ng hatinggabi (nasa Chinese General Hospital siya).

Late na na-detect na may colon cancer ang actor. Sumakit lang ang tiyan niya at nang pumunta siya sa hospital, sinabi ng doctor na may cancer siya at stage 4. ‘Yan ay base sa kanyang kuwento.

Tumanggi na siyang magpa-chemo at mas pinili niya ang alternative medicine pagkatapos ng kanyang operasyon.

Almost two months ago nang huli namin siyang makasama sa pagre-review ng pelikula sa CEB.

Goodbye tito. Mami-miss ka namin tuwing Martes. Ang mga kuwento at opinion mo sa mga nire-review nating pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with