^

PSN Showbiz

Sinasabotahe raw ni Liz Uy dahil friend ni Vice Ganda? Gown na isinuot ni Yaya Dub sa arena ginamit na ni Kim Chiu!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang panawagan na palitan si Liz Uy bilang stylist ni Maine Mendoza dahil sa peach gown na ginamit na ni Kim Chiu sa isang event at ipinasuot niya kay Yaya Dub sa Eat Bulaga noong Sabado.

SCENE: Ang unfair na mga paratang na overrated stylist at sinasabotahe ni Liz Uy si Maine Mendoza dahil kaibigan siya ni Vice Ganda na main host ng rival show ng Eat Bulaga.

SEEN: Pinaratangan si Vice Ganda na nagpapa-humble effect dahil sa kanyang admission na talagang talo ng Eat Bulaga ang It’s Showtime. Naramdaman ng mga tao na umaamot lamang si Vice Ganda ng simpatiya para siya pa rin ang bida.

SCENE: Ang pagtatanggol kay Vice Ganda ng Wang Fam director na si Wenn Deramas: “Hindi siya (Vice Ganda) bitter na tao. Hindi rin siya Santa, pero mas marami siyang pinagkakaabalahan, una na ang love life.”

SEEN: Magkasamang umalis sa Philippine Arena noong Sabado sina Pauleen Luna at Vic Sotto. Umalis agad ang dalawa bago pa lumabas mula sa Philippine Arena ang 55,000 katao na nanood ng Eat Bulaga para makaiwas sila sa trapik.

SCENE: Nakalimutan ni Alden Richards na ibigay kay Maine Mendoza ang red roses na dala niya nang umakyat siya sa malawak na stage ng Philippine Arena.

SEEN: Inaabangan ngayon ang Eat Bulaga dahil inte­resado ang fans ng kalyeserye na malaman ang magiging takbo ng kuwento pagkatapos ng pagtatagpo nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena noong Sabado.

SCENE: Ngayong umaga, 11 a.m., ang pilot telecast ng Dangwa, ang morning serye ng GMA 7 na tinatampukan nina Janine Gutierrez, Aljur Abrenica, at Mark Herras.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ALJUR ABRENICA

ANG

EAT BULAGA

JANINE GUTIERREZ

LIZ UY

MAINE MENDOZA

PHILIPPINE ARENA

SABADO

STRONG

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with