^

PSN Opinyon

De Lima dapat ding maabsuwelto?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

MALAKING balita ang pagpapawalang-sala ng National Prosecution Service (NPS) ng Department of Justice sa ilang mga personalidad na dawit sa bentahan ng droga. Kasama rito si Peter Lim, Peter Co, at Kerwin Espinosa, anak ng Albuera, Leyte Mayor na napatay sa kulungan dahil din sa isyu ng droga.

Kaya ngayon, ang mga kaalyado ni Sen. Leila de Lima sa Liberal Party ay humihirit naman ng i-absuwelto rin ang Senadora na isinasangkot din sa droga. Tila may ka­tu­wiran, dahil si Kerwin Espinosa ang nagdiin kay de Lima sa mga paratang sa kanya.

Sabi naman ng Malacañang at ng DOJ, hinay-hinay lang dahil hindi pa pinal ang pagkaka-absuwelto sa mga naturang drug personalities.

Nananatili nga namang nakapiit si de Lima gayung walang material na ebidensya laban sa kanya ma­liban sa pagdidiin sa kanya ng isang drug persona­lity sa sinumpaang testimonya. Wala ni isang gramo ng iligal na droga ang nakita at nabawi sa kanya. Ang tangi uma­nong ebidensya laban sa kanya ay ang pahayag ni Espi­nosa.

Tingnan natin kung mababaliktad pa ang pagkaka­absuwelto sa mga naturang drug personalities. Kung mang­yayari yon, puwedeng may katuwirang manatili sa piitan si de Lima.

Ang nabuo sa isipan ng taumbayan ay, usaping pampulitika ang dahilan kung bakit nagdurusa ngayon sa piitan­ si de Lima habang yung mga pinaniniwalaan ng tao na tunay na criminal ay pinawalang sala.

Kaya ang tanong ng mga kaalyado ni De Lima, kung walang kinalaman si Kerwin Espinosa sa droga, ano ang dahilan para suhulan pa si Senator de Lima, tulad ng isinaad sa kanyang testimonya?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with