^

Metro

Vendor itinumba ng tandem

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Utas ang isang mister  nang barilin ng riding-in-tandem habang ang una ay nakikipag-argumento sa kaniyang asawa sa harapan ng kanilang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Mani­la Doctor’s Hospital suba­lit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Jamil Didatu  alyas Mike, vendor, tubong Lanao del Sur, at residente ng 13th St., Port Area dahil sa bala na bumaon sa batok at tumagos sa pisngi.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin na sakay ng isang motorsiklo at kapwa mukhang sundalo. Inilarawan ang driver sa suot na t-shirt na green na may imprentang ‘ARMY’ sa harap, camouflage pants at naka-helmet  habang ang gunman  ay naka-complete army uniform subalit walang suot na helmet.

Sa ulat ni SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril alas- 5:00 ng hapon sa 13th Street.

Abala ang biktima at misis na si Nor-Ayni sa kanilang mainitang pag-uusap nang sumulpot ang riding-in-tandem at malapitang binoga sa ulo ang biktima. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with