^

Metro

Barangay officials na walang BADAC, kakasuhan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na sa­sam­pahan nila ng kaukulang kaso ang mga opisyal ng barangay na hanggang ngayon ay wala pa ring Ba­rangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Ayon kay DILG spokesman Assistant Secretary Jonathan Malaya, hindi naman sila nagkukulang sa pagpapaalala sa mga bara-ngay leaders na magtayo ng BADAC kaya walang dahilan upang makalimot silang  mag-organisa nito.

Sa katunayan aniya ay paulit-ulit na nga sila sa pagsasabi sa mga barangay  officials na magtayo ng BADAC, lalo na ang mga barangay   na malala ang problema laban sa illegal na droga.

Noong nakaraang taon aniya ay nagpadala pa sila ng liham sa mga naturang barangay officials, at hiningi ang paliwanag ng mga ito kung bakit wala silang BADAC.

Sa kabila naman nito, nakarating aniya sa kanilang kaalaman na hindi pa rin tumatalima ang mga naturang barangay officials sa paglalagay ng anti-drug councils.

Nagbabala naman si Malaya na sakaling mabigo pa ang mga ito na mag-organisa ng BADAC sa kabila ng kanilang paulit-ulit na paalala ay pagsasampa na ng kaukulang kaso ang kanilang magiging kasunod na aksyon.

“Ang susunod naming   hakbang ay magsasampa na kami ng mga kaukulang kaso sa kanila (barangay officials na walang BADAC) for negligence, for failure to implement. Mga kasong administratibo ang aming isasampa laban sa barangay na hindi nakapag-organisa ng BADAC,” aniya pa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with