^

Metro

5 sakote sa P.2-million shabu sa Makati

Lordeth B. Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak sa kulungan ang limang hinihinalang mga tulak ng droga matapos na masakote mula sa kanila ang nasa 30 gramo ng shabu na tinatayang nasa P.2 milyon ang street value sa isinagawang drug-bust operation ng mga otoridad sa Makati City kahapon, ayon sa pulisya.

Sa report ng Makati City Police, alas-12:15 ng madaling araw nang isinagawa nila ang drug-bust operation sa #3366 Masangkay St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod.

Target ng operasyon ay si Jona Sobria, nakatira sa nabanggit na lugar  na nabilhan umano ng operatiba ng  Makati City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng tatlong libong pisong halaga ng shabu.

Naabutan din sa bahay ang iba pa umanong tulak na sina Justin Sobria, 25; Angeles Oyco, 37;  Michael Perez, 27  at Michael Bragasin, 37 taong gulang.

Ayon kay Police Chief Ins­pector Glenn Gonzales, hepe ng Makati City Police SDEU, nang papasukin na nila ang bahay ay may nagpaputok umano ng baril.

Hindi pa matukoy kung sino ang nagpaputok pero nakuha ang isang baril na kargado ng mga bala.

Itinanggi ni Jona na tulak siya at kaya lang daw siya nasa lugar ay para mag-deliver ng pagkain.

Ang iba pang mga suspek ay umamin na gumagamit ng shabu pero hindi anila sila nagtutulak.

Sa kabuuan, nakuha ang labing-isang sachet ng hinihinalang shabu na nasa 30 gramo ang timbang at may street value na P200,000.00.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with