^

Metro

Binata utas sa tandem, beybi hagip ng ligaw na bala, kritikal

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 23-an-yos na binata nang pagbaba­rilin ng riding in tandem habang nasa kritikal na kondisyon ang isang taong gulang na babae matapos naman itong tamaan ng ligaw na bala sa ulo kamakalawa sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Jerome Hernandez, ng C. Francisco St., Brgy.  asila­wan ng naturang siyudad.

Ginagamot naman sa  Santa Ana Hospital at nanga­ngailangan ng dugo ang nasa kritikal na kondisyon na  sanggol na si Sophia Camilon, 1-taong gulang, ng naturang lugar.

Blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa mga suspect at nagsasagawa pa ng follow-up  hinggil dito.

Sa report na isinumite ng hepe ng Makati City Police na si Police Sr. Supt. Gerry Umayao sa tanggapan ng Southern Police District (SPD), naganap ang insiden­te alas-5:19 ng hapon sa panulukan ng Cagayan at C. Francisco Sts., Brgy. Kasila­wan ng naturang siyudad.

Nakatayo umano ang biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka lulan  ang dalawang suspects.

Isa sa mga suspect ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktimang si Hernandez na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Samantalang ang paslit na si Sophia naman ay ka­sama ang ina sa labas ng  bahay ay tinamaan ng ligaw ng bala sa ulo mula sa pagpapaputok ng mga suspect habang binabaril ng mga ito si Hernandez.

Matapos ang pamamaril  ay mabilis na tumakas ang mga suspect matapos ang isina-wang krimen.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with