Lalaki natupok sa sunog

MANILA, Philippines — Nasawi ang isang 55-anyos na lalaki sa pagsiklab ng isang sunog sa Brgy. Pasong Kawayan, Gen Trias City, Cavite, kamakalawa ng gabi .

Halos abo na ang katawan nang madiskubre ang katawan ng biktima na kinilalang si Nestor Diaz Ledesma, may asawa,  residente ng  South Square Village, Brgy. Pasong Kawayan 2, General Trias City, Cavite.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, alas-9:40 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa bahay ng biktima sa nasabing subdivision

Dahil umano sa lakas ng hangin ay mabilis na kumalat ang apoy sa buong kabahayan dahilan upang makulong sa usok ang biktima at hindi na nakalabas pa.

Umabot ng mahigit sa isang oras bago tuluyang naapula ang apoy at nadiskubre ang halos tupok ng biktima .

Inaalam pa ng Bureau of Fire ng Gen. Trias ang pinagmulan ng sunog. Malaki ang posibilidad na fault electrical wiring ang pinagmulan nito.

Show comments