Electrician utas sa ambush sa Cavite

MANILA, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng ‘di nakilalang salarin ang isang electrician habang sakay ng kaniyang motorsiklo at papauwi na, sa Brgy. Kaytitinga 3, Alfonso, Cavite, kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si Ariel Dingco, 52 anyos, residente ng Brgy. Kaytitinga 1, Alfonso, Cavite.

Mabilis namang tumakas ang suspek na sakay rin ng isang kulay pulang XRM motorcycle at nakasuot ng kulay orange na jacket.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:40 ng hapon sakay ang biktima ng kaniyang Yamaha Mio 125 na kulay itim ay may temporary plate number na 040106 at bumabagtas sa nasabing lugar nang biglang sinabayan ng suspek na sakay rin ng motorsiklo saka pinagbabaril ang una pagsapit sa nasabing lugar.

Nang bumulagta at matiyak na mapuruhan ang biktima sa mga tama ng bala sa katawan, mabilis na humarurot patakas ang suspek.

Show comments