Mga katutubong Agta sa Aurora nabiyayaan sa ‘benefit concert’

MANILA, Philippines — Labis ang kasiyahan ng mga katutubong estudyante mula sa tribong Agta sa Casiguran, lalawigan ng Aurora matapos silang magsilbing benepisyaryo sa bene­fit concert ng tanyag na folksinger-composer na si Noel Cabangon nitong nakalipas na linggo sa Edsa Shangri-La Hotel sa Mandaluyong City.

Ang nasabing benefit concert na may titulong “Awit ng Pag-ibig at Pag-asa” ay inorganisa at binuo nina Phebie Jame Dy at Artemio Dy katuwang ang Stone of Hope, para makalikom ng pondo para sa mga proyekto ng Sentrong Paaralan ng mga Agta. kabilang na rito ang pagkakaroon ng scholarship para sa kanilang edukasyon, vocational training at pagtatayo ng karagdagang paraalan o silid-aralan. Layunin din na makapag-raise ng funds para sa medical at health facilities sa kanilang lugar na mahirap abutin dahil malayo sa kabayanan.

Nagpamalas din ng mga katutong sayaw ang mga estudyanteng Agta na hinangaan ng mga guests kabilang na ang ambassador ng Czech Republic, Korean partners, government officials at iba pa.

Nai-promote rin sa konsyerto ang “principles of conservation” at proteksyon sa kultura at pamana ng Pilipinas sa pamamagitan ng assistance program ng Indigenous peoples (IP) tulad ng mga Agtas, mga indibiduwal at grupo, pribado at pampublikong organisasyon at mga ahensya.

Kabilang sa mga nagsilbing sponsors at partners sa concert ay ang Stone of Hope Builders and Dev’t Corp., Stone of Hope Fuels at Stone of Hope Defense at iba pa.

Show comments