^

Probinsiya

3 ‘tulak’ timbog sa P1 milyong ‘damo’ sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
3 �tulak� timbog sa P1 milyong �damo� sa Bulacan
Sa report, ikinasa ang operasyon ng Malolos police na may koordinasyon sa SOU 3 PNP-DEG at PDEA 3 nitong Hunyo 10 sa Brgy. Sumapang Matanda.
The STAR / Miguel de Guzman, File

KAMPO HENERAL ALEJO SANTOS , Philippines — Tinatayang nasa P1,080,000 halaga ng iligal na droga ang umano’y nasamsam sa tatlong pinaghihinalaang tulak sa anti-illegal drug operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Malolos.

Kinilala ng pulisya ang tatlong suspek na sina Maribeth Melendez, Raffy Magpali Jr, at Arwin Jae Meneses.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng Malolos police na may koordinasyon sa SOU 3 PNP-DEG at PDEA 3 nitong Hunyo 10 sa Brgy. Sumapang Matanda.

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 plastic sachets na pinaghihinalaang dried marijuana, disposable hand glove na naglalaman din ng marijuana, improvised glass pipe na may lamang marijuana na tumimbang ng 9 kgs, may estimated value na P1,080,000.00 at P1,000.00 marked money.

Nahaharap sa ka­ukulang kaso ang tatlong suspek habang nakakulong sa natu­rang istasyon ng pulisya.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with