^

Probinsiya

Higit P3 milyong shabu kumpiskado sa 2 suspek

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Higit P3 milyong shabu kumpiskado sa 2 suspek
Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alvin Araneta at Jufel Baybay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Mahigit sa P3 milyong halaga ng hinihina­lang shabu ang nakumpiska mula sa dalawang high value target (HVT) na nadakip sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad nitong Huwebes sa Mandaue City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Alvin Araneta at Jufel Baybay.

Ayon kay Police Col. Jeffrey Caballes, hepe ng Mandaue City Police Office (MCPO), nadakip ang mga suspek ng mga operatiba ng Mandaue Police Station 5 sa Barangay Umapad ng nasabing lungsod.

Nakuha kay Araneta ang nasa kalahating kilo ng shabu na aabot sa halagang ?3.4 milyon.

Sunod naman nahuli si Baybay sa nasabing barangay ng mga tauhan ng MCPO Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Police Lt. Troy John Lalamunan at nakunan ito ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?340,000.

Sinabi ng pulisya, na matagal na nilang minamanmanan ang mga suspek na itinuturing na high-value targets.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with