^

Probinsiya

Bacolod City idineklarang ‘insurgency-free’

Gilbert Bayoran - Pilipino Star Ngayon

BACOLOD CITY, Philippines — Idineklara nang “insurgency free” ang Bacolod City matapos na wala nang naitatalang presensya at panggugulo mula sa mga armado at makakaliwang grupo.

Ang deklarasyon ay isinagawa sa Regional Joint Peace and Security Coordinating Center (RJPSCC), sa 2nd quarter meeting na ginanap sa Bacolod City go­vernment center, na pinangunahan nina co-chairpersons PBrig. Gen. Archival Macala, officer-in-charge ng Police Regional Office 6, Brig. Gen. Orlando Edralin, 303rd Infantry Brigade commander, at Commodore Arnaldo Lim, commander ng Coast Guard District-Western Visayas.

Sinabi ni Macala na ang deklarasyon ng Bacolod City bilang insurgency-free ay nagpapakita na nagawang ma-neutralize o mabuwag ng mga awtoridad ang operasyon ng New People’s Army (NPA) sa isang highly urbanized city.

Sa loob ng nagdaang mga taon, may nag-iisa umanong “insurgency related incident” ang nangyari sa Bacolod City, base sa report ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Bagama’t matahimik na ang lungsod, hinikayat pa rin ni Maj. Gen. Marion Sison, commander ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, ang lahat ng security agencies na manatiling mapagbantay at supilin ang anumang tsansa ng NPA na makabalik sa siyudad.

Sinabi ni City Administrator Pacifico Maghari Jr.  na ang deklarsyon sa Bacolod City bilang insurgency free ay magbibigay ng kasiglaan sa kanilang turismo at sa kanilang vision o mithiin na maging “super city.”

“In order to make Bacolod a super city, it should be safe, not only to investors, tourists, but its people as well,” pahayag ni Maghari

Noong 2019, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod (SP) ng Bacolod ang isang resolution na nagdedeklara sa CPP-NPA-NDF na “non persona grata”, habang ang City Peace and Order Council ay idineklara rin ang Bacolod bilang insurgency free, na sinang-ayunan ng City Joint Security Coordinating Center.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with