12 Chiefs of Police sa Calabarzon, binalasa
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Labindalawang hepe ng pulisya sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang binalasa sa kanilang mga puwesto.
Base sa ulat, pitong hepe ng pulisya sa Batangas, tatlo sa Laguna at dalawa sa Quezon habang hindi naman ginalaw ang mga hepe ng pulisya sa Cavite at Rizal.
Nabatid na si Lt. Col. Ariel Azurin, Lipa City police chief, ay pinalitan ni Lt. Col. Rix Villareal,ang una ay itinalaga bilang 1st Provincial Mobile Force Company commander.
Si Lt. Col. Dwight Fonte Jr, ay pinalitan ni Lt. Col.Diana Del Rosario bilang Batangas City police chief.
Samantala, sina Majors Janver Cabata ay inilagay bilang chief of police sa Ibaan, Major Ronnie Aurellano (Rosario), Major Danilo Manalo Jr (San Luis), Major Fernando Fernando (Taal), Major Richard De Guzman (Tingloy). In Laguna, Major Ajalino Balaoro, Chiefs of police of Liliw, Major Melencio Arcita Jr (Magdalena), Major Jordan Aguilar ( Victoria) ay pinalitan nina Captain John Patrick Delos Santos, Captain Errol Frejas at Captain Myra Desiree Pasta ayon sa pagkakasunod.
Sa lalawigan ng Quezon, si Maj. Joseph Ian Java ng Malunay police chief, at Maj. Marlon Comia (Macalelon) ay pinalitan nina Maj. Marlon Comia at Cpt. Harold Panganiban.
Ayon kay Brig. Gen. Carlito Gaces, Calabarzon police director, na ang naganap na balasahan sa mga nasabing opisyal ay dahilan sa overstaying, advance career enhancement at bigyan din ng pagkakataon ang iba na ipakita ang kanilang kakayanan.
- Latest