^

Probinsiya

18-anyos kasambahay, inatado ng taong gala

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 18-anyos na kasambahay matapos pagtatagain ng isang ‘di kilalang lalaki na armado ng gulok at gumagala sa daan sa Purok-4, Brgy. Usab, Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi.

Patay na at naliligo sa sariling dugo nang datnan ng mga rumespondeng opisyal ng barangay ang biktima na kinilalang si Cherryl Gigante Aquino, may-asawa at residente ng naturang barangay.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis nakatakas makaraan ang pananaga sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-6 ng gabi habang naglalakad ang biktima nang lapitan ng hindi nakilalang suspek na may bitbit na itak.

Sa hindi malamang dahilan, walang kaabug-abog na pinagtataga ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na duguang humandusay. 

vuukle comment

CHERRYL GIGANTE AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with