^

Probinsiya

Negosyante, dinukot ng 5 lalaki sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Nagsasagawa ngayon malalimang imbestigas­yon ang mga awtoridad matapos ang insidente ng kidnapping sa isang negosyante sa bayan ng Gonzaga, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Romel Hoseña, 43, isang negosyante na miyembro ng Board of Directors ng NAWASA, Aparri at residente sa Brgy. Progressive sa bayan ng Gonzaga.

Batay sa report, dakong ala-1:00 ng hapon nitong Lunes nang dukutin ng limang kalalakihan ang biktima sa harapan ng kanyang bahay at isinakay sa isang pulang Toyota Innova (WPM623), subalit kinagabihan na nang maireport ang pangyayari.

Agad namang  nagpalabas ng alarma ang Cagayan Police sa lahat ng himpilan ng pulisya sa lalawigan at kalapit probinsya para sa posibleng pagkakakilanlan sa ginamit na sasakyan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang mga suspek at ang motibo sa pagdukot sa biktima. 

vuukle comment

ROMEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with