^

Probinsiya

2 pulis natagpuang patay sa ‘accidental firing’

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 pulis natagpuang patay sa �accidental firing�
Si Police Corporal Alex Hernandez, matapos madiskubreng patay at may tama ng punglo sa ulo sa loob ng kanyang silid sa Greenwoods Executive Village, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal noong Linggo ng hapon.
Ed Amoroso

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa pagkamatay ng dalawa nilang miyembrong pulis na kapwa natagpuang naliligo sa sariling dugo sa magkahiwalay na insidente ng hinihinalang “accidental firing” sa lalawigan ng Rizal at Naga City sa Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasawing pulis na sina Corporal Alex Hernandez, 30, nakatalaga sa San Juan Police Station at Patrolwoman Charlene Monzales, dalaga, residente ng Brgy. Binogsacan, Guinobatan, Albay at nakatalaga sa City Drug Enforcement Unit ng Naga City Police Office.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na patay na nang matagpuan ng kanyang kapatid ang biktimang si Cpl. Hernandez sa loob ng kanyang kuwarto habang may tama ng pung­lo sa ulo at katabi nito ang kanyang service firearm sa Greenwoods Executive Village, Barangay San Andres, Cainta, Rizal noong Linggo ng hapon.

Nabatid na dalawang empty 9mm magazines at 15 piraso ng bala ng 9mm at cleaning gun paraphernalia ang natagpuan ng mga awtoridad sa higaan ng nasabing pulis.

Sinabi ng pinakama­tandang kapatid ng biktima na si Alvin Hernandez sa mga imbestigador na kinatok niya ang pintuan ng kuwarto ng kapatid at tinawag nito para manang­halian.

Gayunman, hindi umano sumagot ang biktima kaya binuksan na ng kanyang kuya ang silid at laking gulat nang tumambad sa kanya ang kapatid na duguang nakahandusay sa kanyang kama.

Samantala, ang nasabing policewoman ay natagpuan namang may tama ng punglo sa kanyang noo sa loob ng kanyang nirerentahang Room 12C ng Cruz Apartment sa Magsaysay Street, Brgy. Concepcion Pequeña, Naga City, kamakalawa ng gabi.

Hawak pa ang sariling service firearm habang patay na nakahandusay sa higaan ng kanyang kuwarto at duguan ang ulo ni Monzales.

Dakong alas-10 ng gabi, pinuntahan ng kanyang mga kasamahang pulis ang biktima sa kanyang apartment. Gayunman, nagulat sila nang makitang patay na ang dalaga at may tama ng punglo sa noo habang hawak umano nito ang sariling baril.

Patuloy na sinisiyasat ng pulisya ang sanhi ng pagkasawi ng dalawang pulis kung ito ay accidental firing, pagpapakamatay o may nangyaring “foul play” sa dalawang magkahiwalay na insidente. — Ed Amoroso

 

vuukle comment

CRIME

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with