^

Probinsiya

8 shabu dealers sa Central Mindanao, nasakote

John Unson - Pilipino Star Ngayon
8 shabu dealers sa Central Mindanao, nasakote
Abot sa P434,800 na kabuuang halaga ng shabu ang nasamsam sa walong suspects, lahat nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
STAR/ File

COTABATO CITY, Philippines — Walo umanong dealers ng shabu na ang ilan sa kanila ay inuugnay sa New People’s Army at Dawlah Islamiya, ang naaresto sa tatlong magkahiwalay na entrapment operations sa Central Mindanao mula Miyerkules hanggang Sabado.

Abot sa P434,800 na kabuuang halaga ng shabu ang nasamsam sa walong suspects, lahat nahaharap na sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Unang na-entrap ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 sina Fernan Herrera, Wendel Tiamsing, Gerard Arabia, at Ronnie Bermejo sa Barangay San Jose sa Koronadal City, South Cotabato.

Ang apat ay agad na inaresto ng makapagbenta ng P78,800 na halaga ng shabu sa mga hindi unipormadong PDEA agents.

Sunod na na-entrap ng mga ahente ng PDEA-12, pagkalipas ng 24 oras, sina Gerald Miano, Gilbert Ecunas at Argie Macalua sa Barangay Poblacion, Alabel sa Sarangani.

Ayon sa mga opisyal ng Police Regional Office 12 at ng 6th Infantry Division ng Philippine Army, nagbibigay sa isang grupo ng NPA sa Sarangani ng bahagi ng kanilang kinikita sa pagbebenta ng shabu sina Miano, Ecuas at Macalua.

Nakunan ng P40, 800 na halaga ng shabu ang tatlo, ayon kay Aileen Lovitos, director ng PDEA-12.

Nitong Sabado, isa pang drug dealer na may ugna­yan sa teroristang grupong Dawlah Islamiya, si Abdullah Manguda, ang nakunan ng P320,000 na halaga ng shabu sa isang police entrapment operation sa bayan ng Pigcawayan sa North Cotabato.

vuukle comment

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with