^

Probinsiya

2 bedridden na senior natupok sa sunog

Jennifer Rendon - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang bedridden na senior citizen ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Iloilo City.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing sina Tho­mas White, 72, ng Barangay Botong, Oton, Iloilo; at Lea Fernandez, 71, ng Barangay Sta. Rosa, Mandurriao, Iloilo City.

Nabatid na si White na isa ring bulag ay hindi nakalabas sa nasusunog niyang bahay, naganap kamakalawa ng alas-2:00 ng hapon.

Ayon kay Senior Fire Office 4 (SFO4) Reggie Simeon, chief ng  Intelligence and Investigation Section ng Oton Fire Station, na iniulat ang sunog sa kanila,alas-2:10 ng hapon.

Nang rumesponde sa lugar, ang bahay ni White ay tupok na dahil sa gawa sa light mate­rials na kumalat sa iba pang bahay bago tulu­yang naapula,ala-3:04 ng hapon.

Nabatid na si White ay mag-isa lang nakatira sa kanyang bahay na dinadalhan lang ng pagkain ng pamangkin na nakatira sa kasunod na pinto. Ang misis at anak nito ay nakatira sa abroad.

Samantala,alas-7:42 ng gabi ay nakatanggap ang mga tauhan ng City Fire Station na nasusunog ang bahay ni Fernandez na katulad ni White ay mag-isa na lang sa buhay.

Narekober ang sunog na katawan ni Fernandez sa ilalim ng mga debris ng kanyang 2 palapag na bahay na gawa sa light materials. Idineklara ang sunog,alas-8:20 ng gabi.

Patuloy ang imbestigasyon sa dalawang mag­kahiwalay na sunog.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with