^

Probinsiya

Sundalo utas sa engkuwentro sa Masbate

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Cawayan, Masbate , Philippines — Bulagta ang isang sundalo ng Philippine Army matapos na mapuruhan ng punglo makaraang makaengkwentro ang mga pinaniniwalaang mga kasapi ng New People’s Army sa Brgy.Villahermosa sa bayan ng Cawayan, Masbate nitong Lunes ng hapon.

Dead-on-the spot ang biktimang si Cpl. Antonio Pareno Jr., kasapi ng 2nd Infantry Battalion ng 9th Infantry Division, Philippine Army.

Malaki naman ang posibilidad na may mga nasugatan at namatay rin sa panig ng mga komunista.

Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga sundalo mula sa mga sibilyan hinggil sa presensya ng mga armadong komunista sa masukal na lugar ng naturang barangay.

Agad na nagsagawa ng military operation ang mga sundalo at agad nilang nakabakbakan ang tinatayang nasa 12-bilang na mga kasapi ng NPA.

Umabot ng hanggang 5-minuto ang palitan ng putok hanggang sa masapol ng punglo si Cpl. Pareno. Pero kahit nalagasan, hindi naman nagpatinag ang mga sundalo at patuloy na sumalakay sa posisyon ng mga kalaban hanggang napilitang umatras at tumakas ang mga komunista.

Mataas na kalibre ng baril na naiwan ng mga tumakas na NPA ang nabawi ng mga sundalo gaya ng R4 assault rifle, dalawang anti-personnel mine, mga cellphone, subersibong dokumento at ilang personal na ka­gamitan.

vuukle comment

NPA

PHILIPPINE ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with