^

Probinsiya

4 inambus: 1 ginilitan, tinangkang pugutan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

Pagadian City, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isa sa apat na lalaki matapos na pagbabarilin ay ginilitan pa sa leeg at tinangka ring pugutan ng ulo habang sugatan ang tatlong kasamahan sa naganap na ambush noong Sabado sa bayan ng Margosatubig sa Zamboanga del Sur.

Sa ulat ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office (PPO) na naka-base sa Pagadian City, nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan, at may malaking hiwa sa leeg ang 25-anyos na si Paulo Paraguya, nang datnan ng mga awtoridad sa crime scene.

Sa imbestigasyon, si Paraguya at tatlong kasama na kinilalang sina Edmar Adecer, 24-anyos, Jaime Garongo, 32-an­yos, at Roel Sinugbayhan, 37-anyos, ay sakay ng isang tricycle nang pagbabarilin ng isang lalaking nakaabang sa isang bahagi ng kalye sa Purok Bombil, Brgy. Igat, Margosatubig.

Ayon sa Zamboanga del Sur PPO, bagama’t mga sugatan na, nagawa pa nila Adecer, Garongo at Sinugbayan na tumakas kaya sila nakaligtas.

Naiwan naman si Paraguya na nalaglag sa tricycle sanhi ng mga tama ng bala na nagresulta sa kanyang agarang pagkamatay.

Ayon sa mga saksi, ginilitan pa sa leeg ng suspect si Paraguya, at akmang pupugutan na ng ulo, ngunit hindi na itinuloy nang mapansing maraming nakamasid na mga residenteng nabulabog sa paulit-ulit na putok ng kanyang baril.

Nakatakas ang suspect bago pa man dumating sa pinangyarihan ng ambush ang mga nagrespondeng barangay tanod at mga kasapi ng Margosatubig Municipal Police Station.

vuukle comment

CRIME

PPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with