^

Probinsiya

Anak, sinibak sa leeg ng tatay, patay!

Doris Franche, Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Anak, sinibak sa leeg ng tatay, patay!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Robert Abdula, magsasaka, samantalang nakapiit na sa municipal jail at kinasuhan ng parricide ang suspek na si Carlito Arevalo Abdula, 54, biyudo; kapwa  residente sa nasabing lugar.
STAR/ File

Masayang bonding nauwi sa katayan

MULANAY, Quezon, Philippines — Halos humiwalay ang ulo sa kanyang leeg ang isang 20-anyos na binata matapos na pagtatagain ng sariling ama dahil sa kalasingan habang nag-iinuman ang dalawa kamakalawa ng tanghali sa Sitio Tala, Barangay Latangan ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Robert Abdula, magsasaka, samantalang nakapiit na sa municipal jail at kinasuhan ng parricide ang suspek na si Carlito Arevalo Abdula, 54, biyudo; kapwa  residente sa nasabing lugar.

Ayon kay PMaster Sgt. Arby Resullar, officer on case, bandang alas-11:30 ng tanghali, masaya pang nag-iinuman ng alak ang mag-ama bilang kanilang bonding sa loob ng kanilang bahay pero nang kapwa na malasing ay nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Sa gitna ng komosyon, kinuha ng nakatatandang Abdula ang isang gulok at sinibak sa leeg at pinagtataga ang anak hanggang sa duguang bumulagta at agarang nasawi sa insidente.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang malaman ang pinagtalunan ng mag-ama na nauwi sa malagim na krimen.

vuukle comment

JOHN ROBERT ABDULA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with