^

Probinsiya

Sari-sari store nagbenta ng shabu, owner timbog

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Arestado ang isang sari-sari store owner matapos na mabisto ang kanyang iligal na operasyon na isa sa produktong kanyang ibinebenta ay droga sa Purok-2, Brgy.28-Victory Village, Legazpi City kamakalawa ng gabi.

Sinampahan agad ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek na kinilalang si Laarni “Patpat” Arnaldo Loveriza, 32-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa ulat, nakakuha ng impormasyon ang mga pulis na nagiging front lamang ni Loveriza ang kanyang tindahan sa pagbebenta nito ng shabu.

Nang makumpirma ang iligal na operasyon ng suspek, pasado alas-6 ng gabi ay inilatag ng Regional Mobile Force Battalion 5 at Legazpi City Police ang buy-bust laban sa suspek. Mabilis siyang inaresto makaraang iabot nito sa poseur buyer ang isang sachet ng shabu.

Nabawi rin sa suspek ang ilang sachet ng shabu na tumitimbang ng 10-gramo at nagkakahalaga ng P68,000.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with