^

Probinsiya

Ex-kagawad pinasok sa bahay, pinatay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ex-kagawad pinasok sa bahay, pinatay
Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang kinilalang si Mariano Buag Balbuena, residente ng naturang lugar.
File

PIO DURAN, Albay, Philippines — Bulagta sa loob ng kanyang bahay ang isang dating barangay kagawad matapos pasukin at pagbabarilin ng hindi nakila­lang gunman sa Purok-7, Brgy. Panganiran, Pio Duran, Albay kamakalawa ng gabi.

Napuruhan ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agad nasawi ang biktimang kinilalang si Mariano Buag Balbuena, residente ng naturang lugar.

Hindi naman nakilala ang suspek na agad tumakas makaraan ang pamamaslang.

Sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang big­lang pumasok ang hindi nakilalang suspek na armado ng hindi malamang kalibre ng baril. Bago pa nakakilos ang biktima ay walang kaabug-abog siyang pinagbabaril ng suspek na duguang humandusay.

Inaalam pa ng pulisya ang posibleng pagkaka­kilanlan ng suspek at sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with