^

Probinsiya

Misis bumili ng kailangan ng mga anak, inutas ng mister

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis bumili ng kailangan ng mga anak, inutas ng mister
Malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Edna De Vera Burton, 45-anyos habang tinutugis na ang tumakas na asawa na kinilalang si Carlos, 44-anyos, mangi­ngisda, kapwa residente ng naturang lugar.
File

MANILA, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang misis sa kamay ng mister matapos pagsasaksakin dahil lamang sa pagbili ng pangangaila­ngan ng kanilang mga anak sa Sitio Magapo, Brgy. Behia, Magallanes, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang agarang ikinasawi ng biktimang si Edna De Vera Burton, 45-anyos habang tinutugis na ang tumakas na asawa na kinilalang si Carlos, 44-anyos, mangi­ngisda, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, nag-away umano ang mag-asa­wa nang magalit ang mister makaraang malaman na namili ang misis ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

Dito ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mag-asawa hanggang sa kumuha ng patalim ang mister at pinagsasaksak ang misis na agarang nasawi.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang patalim na ginamit sa pananaksak habang inihahanda na ang kasong parricide na isasampa laban sa suspek na tinutugis ng pulisya.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with