^

Probinsiya

Ginang, 20 beses sinaksak ng selosong ex-lover

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Ginang, 20 beses sinaksak ng selosong ex-lover
Agad nasawi dahil sa tinamong higit 20 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Maila Cardano.
STAR/File

Sa mismong birthday ng anak

BACACAY, Albay, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 39-anyos na babae matapos pagsasaksakin ng kanyang dating kinakasama sa harap mismo ng kanyang anak na nagdiriwang pa naman ng kaarawan sa Brgy. Panarayon, Bacacay, Albay kamakalawa ng gabi.

Agad nasawi dahil sa tinamong higit 20 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Maila Cardano.

Sinubukan namang tumakas pero agad na­aresto ng mga rumorondang barangay tanod ang suspek na si Jonathan Buela, nasa hustong gulang, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa ulat, pasado alas-9 ng gabi, sinugod ng lasing at armado ng patalim na si Buela ang biktima sa bahay nito.

Bago pa nakatakbo ang biktima ay bigla siyang pinagsasaksak ng suspek sa harap ng kanyang anak na nagdiriwang ng ika-11 taong kaarawan.

Duguang humandusay ang ginang na naliligo sa sariling dugo at agad nasawi.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, matinding selos ang dahilan ng pananaksak ng suspek sa dating live-in partner.

Nakakulong na sa police station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with