^

Probinsiya

P20 milyong marijuana, winasak sa Kalinga

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Halos nasa P20 milyon na halaga ng marijuana ang matagumpay na winasak ng mga otoridad matapos madiskubre sa magkakaibang lugar sa lalawigan na ito ayon sa ulat kamakalawa.

Unang nadiskubre ng mga otoridad ang dalawang plantasyon sa Sitio Balay, Tulgao West, Tunglayan,Kalinga kung saan nadiskubre ng mga operatiba ang mahigit sa 89,000 na mga fully grown marijuana na tinatayang nasa mahigit P17 milyon ang halaga.

Apat naman na plantasyon ang nadiskubre rin ng mga operatiba ng pulisya sa Brgy. Buscalan sa bayan ng Tinglayan kung saan winasak naman ang halos 11,000 na mga marijuana plants na nagkakahalaga sa mahigit P2 milyon.

Bagama’t walang nadakip sa mga may-ari o nagtanim sa mga marijuana ay tiniyak ng mga otoridad na mala­king kawalan ito sa kanila lalo na at sinigurong na­sunog lahat ang mga ito para hindi na mapakinabangan pa.

Umaasa ang pulisya na dahil sa patuloy na operasyon sa mga itinuturo ng mga residente na taniman ng marijuana ay tuluyang maubos ang mga nakatanim na marijuana sa mga kagubatan ng lalawigan.

vuukle comment

DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with