^

Probinsiya

Rumesponde sa gulo sa piyesta: Pulis at jailguard niratrat, patay!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Rumesponde sa gulo sa piyesta: Pulis at jailguard niratrat, patay!
Batay sa report ng Bayawan Municipal Police, dakong alas-7:35 ng gabi nang maganap ang krimen sa Peping Gamo St., Tinago, Bayawan City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis at jailguard na rumesponde sa isang piyestahan kamakalawa sa Bayawan City, Negros Occidental.

Dead-on-the-spot sina Pat. Rhulin Mar Abrasaldo, nakatalaga sa Police Regional Office-7, RMBF 7, 705th MC sa Sitio Nagbagang, Santa Catalina at Edwin Laag, 55, personnel ng Bayawan Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), habang sugatan ang isang Wichita Jamin, 56.

Batay sa report ng Bayawan Municipal Police, dakong alas-7:35 ng gabi nang maganap ang krimen sa Peping Gamo St., Tinago, Bayawan City.

Ayon kay PLt Col. Rex Moslares, hepe ng Bayawan City Police, dumating ang mga suspek sa gitna ng kapistahan at hinahanap si Jamin.

Nang makita si Jamin ay bigla na lamang siyang binaril ng mga hindi pa nakikilalang suspek at nagtamo ng tama ng bala ng  baril sa katawan.

Bunsod nito, rumesponde sina Abrasaldo at Laag sa nasabing lugar subalit lingid sa kanilang kaalaman ay may iba pang kasamahan ang mga suspek at pinagbabaril ang dalawa.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek lulan ng kulay dilaw na Yamaha MIO 125 motorcycle.

Matatandaan na noong Agosto 15, 2022, nakaligtas sa kamatayan si Abrasaldo matapos rumesponde sa isang ambushed sa Brgy. San Roque, dahil sa presensya ng mga teroristang miyembro ng CPP-NPA na ikinamatay ng kasama nitong si PCpl. Rey Ambo.

vuukle comment

CRIME

DEAD

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with