^

Probinsiya

Mag-ama, 1 pa minasaker sa Negros Occidental

Gilbert Bayoran - Pilipino Star Ngayon
Mag-ama, 1 pa minasaker sa Negros Occidental
Ang mga biktima ay sina Edmund Castro, 45, anak nitong 10-an­yos na batang lalaki na hindi pa tinukoy ng pulisya ang pagkaka­kilanlan at isang Analie Emaray, 44-anyos.  
File

Dahil sa nawawalang kalabaw…

BACOLOD CITY, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng mag-ama at isa pang babae matapos silang pagbabarilin at pagtatagain ng mga hinihinalang kawatan ng kalabaw sa Sitio Bu­yong, Brgy. Cabia-an, Candoni, Negros Occidental noong Sa­bado.

Ang mga biktima ay sina Edmund Castro, 45, anak nitong 10-an­yos na batang lalaki na hindi pa tinukoy ng pulisya ang pagkaka­kilanlan at isang Analie Emaray, 44-anyos.  

Sa inisyal na ulat ng Candoni Police, si Castro ay natagpuang tadtad ng tama ng punglo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang ang biktimang si Emaray ay nagtamo ng mga tama ng bala sa taas ng kilay at dibdib nito.

Ang batang biktima naman ay nakitaan ng pulisya ng maraming taga sa leeg at ulo.

 Lumalabas sa imbestigasyon na nauna sa krimen, hinanap ni Castro kasama ang kanyang anak ang kanilang nawawalang kalabaw hanggang sa matagpuan umano itong hawak na ng mga ‘di kilalang suspek sa nasabing lugar.

Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ni Castro at mga magnanakaw ng kalabaw hanggang sa mauwi ito sa pamamaril na kanyang ikinabulagta.

Ayon pa sa pulisya, dahil sa nasaksihan ng bata at ni Emaray ang pagpatay kay Castro, maging sila ay agad pinagtataga at pinagbabaril ng mga suspek.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with