^

Probinsiya

Tserman, misis todas sa ambush!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Tserman, misis todas sa ambush!
Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Brgy. Pollo Chairman Abubacar Abdul at misis nito na si Baisa dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay captain at misis nito matapos na pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek kamakalawa ng hapon sa Maguindanao Del Norte.

Kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Brgy. Pollo Chairman Abubacar Abdul at misis nito na si Baisa dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Batay sa pagsisiyasat ng Parang Municipal Police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa Narciso Ramos Highway ng Sitio Timbangan, Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao Del Norte.

Ayon kay Parang Police chief Major Christopher Cabugwang, sakay ang mag-asawa ng isang kulay puting Toyota pickup (DAQ 4412) na minamaneho ni Abubacar nang bigla silang harangin at pagbabarilin ng mga la­laking armado ng kalibre 45 pistola.

Napuruhan ng mga bala ang mag-asawa habang ligtas ang kanilang kasamang barangay secretary.

Sumadsad sa gilid ng national highway ang pickup matapos tamaan ng bala ang mga biktima at mabilis na tumakas ang mga suspek.

Narekober ng pulisya ang limang basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Kinondena ni Parang Maguindanao Del Norte Mayor Cahar Ibay ang pamamaslang sa mag-asawang Abdul. Nag-alok siya ng P100,000 pabuya sa sinumang ma­ka­pagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga suspek.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with