^

Probinsiya

11,000 bags ng puslit na sibuyas, nasabat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
11,000 bags ng puslit na sibuyas, nasabat
A market vendor shows the size comparison of the onion bought from local farmers and a giant onion that came from an undisclosed origin at the Marikina City Public Market on January 23, 2023.
STAR/Jesse Bustos

BOC, Navy, PCG joint ops sa Zamboanga

MANILA, Philippines — Muli na namang nakasabat ang Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Navy (PN)-Naval Forces Western Mindanao at Philippine Coast Guard (PCG) ng mga smuggled na sibuyas makaraang nasa 11,000 bags nito ang makumpiska sa magkasunod na operasyon sa Zamboanga City nitong nakalipas na linggo.

Sa ulat ng BOC-District Zamboanga, makasunod na operasyon ang ikinasa nila kasama ang PN, PCG, Joint Task Force Mindanao at iba pang sangay ng militar sa Varadero de Cawit, Brgy. Cawit ng naturang lalawigan.

Isang closed van ang nasabat ng mga operatiba na naglalaman ng 3,000 bags ng pulang sibuyas.

Sa follow-up operation, natukoy ang sea vessel na MJ Marisa na pinagmulan ng mga sibuyas at muling nakakumpiska ang mga awtoridad ng nasa 8,000 mesh bags na may katumbas na 44,000 kilos ng sibuyas.

Kasunod nito, nati­yempuhan din ng mga operatiba ang isang watercraft na ML Zhary na may lulan namang humigi’t kumulang sa 300 drums ng smuggled petroleum products at mga lubricants, sa karagatang sakop ng Brgy. Cawit.

Nabatid na ang pagsama ng PN-NFWM at Western Mindanao Command sa mga ope­rasyon ay bahagi ng kanilang pangako ng pagtulong sa gobyerno at lokal na pamahalaan sa kampanya laban sa smuggling at iba pang illegal na aktibidad sa rehiyon.

vuukle comment

ONION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with