^

Probinsiya

Barangay chairman, 4 pa patay sa ambush!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Barangay chairman, 4 pa patay sa ambush!
The vehicle of the victims of Thursday’s ambush in Sirawai, Zamboanga del Norte.
Philstar.com / John Unson

2 pang kasama sugatan..

MANILA, Philippines — Patay ang isang barangay chairman at apat pang kasama kabilang ang dalawa nitong kapatid nang tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilang armadong grupo, habang lulan ng pickup truck, kamakalawa ng hapon sa Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng Zamboanga del Norte Police, dead-on-the-spot sa insidente sina Chairman Allie Manangca ng Brgy. Baluban; kapatid na sina Ani at Alfahad Manangca; kamag-anak na si Anisa Manangca at isang Shilben Mussadin Basa.

Nilalapatan naman ng lunas sa opistal ang mga sugatan na sina Alwaf Manangca at Norman Tulino, kapwa magsasaka.

Ayon kay Col. Glen Dulawan, Zamboanga del Norte Provincial Police Office director, sakay ng Toyota Hilux ang mga biktima at tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Pina sa Sirawai nang paulanan ng bala ng mga kalalakihan na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ilan sa mga saksi ang nakakita na tinarget ng mga suspek ang ulo at katawan ng mga biktima. Tadtad din ng bala ang sasakyan ng mga biktima.

Matapos ang krimen, mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa iba’t ibang direksiyon.

“Rido” o clan war ang isa sa mga nakikitang dahilan ng mga awtoridad na motibo sa ambush.

Lumilitaw na isang insidente ng pamamaril noong Disyembre 2022 sa bayan ng Sirawai ang nangyari at ang pamilya ng nasabing barangay captain ang pinagdudahang responsable rito.

Inilunsad na ang hot pursuit operations ng mga awtoridad sa mga karatig bayan ng Zamboanga del Norte laban sa tumakas na mga suspek.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with