Pulis na kinasuhan ng rape, sumuko
CAVITE, Philippines — Kusang loob na isinuko ng isang pulis ang kaniyang sarili sa istasyon ng pulisya matapos babaan ng warrant of arrest sa kasong panggagahasa, kamakalawa ng hapon sa bayan ng Silang, dito sa lalawigan.
Walang piyansang inirekomenda ang korte na nakilalang si Daniel Suguitan Bernard, may asawa, isang non-commissioned police officer at residente ng Purok 3 Brgy. Pasong Langka Silang, Cavite.
Sa nakalap na ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director Police Col. Christopher Olazo, alas-2 ng hapon nang boluntaryong magtungo si Bernard sa Silang Police Station at kusang-loob na sumuko kay Col. Romulo Co Dela Rea, hepe ng pulisya sa bayang ito, matapos na iutos ni Judge Minelli Rocio-Carvajal ng Regional Trial Court Branch 18 sa Tagaytay City na arestuhin ito dahil sa kinakaharap na kasong rape.
Isinurender din ng akusadong pulis ang kaniyang service firearm na Glock 17, PNP badge at PNP ID sa nasabing hepe.
- Latest