^

Probinsiya

College student binoga sa ulo ng tandem

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
College student binoga sa ulo ng tandem
Lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ni Atta ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng back ride ng isa pang motor na nakabuntot sa biktima sa may Salain Drive ng nasabing barangay.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang 22-anyos na binata nang malapitang barilin sa ulo habang sakay ng motorsiklo ng riding-in-tandem suspect, kamakalawa sa Brgy.Sumagdang, Isabela City, Basilan.

Kinilala ni Lt. Col. Junpikar Sitin, hepe ng pulisya ng Isabela City, ang biktimang si Umaer Atta, college student.

Lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ni Atta ang kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng back ride ng isa pang motor na nakabuntot sa biktima sa may Salain Drive ng nasabing barangay.

Tinamaan sa ulo si Atta na agad niyang ikinamatay habang mabilis na tumakbo ang mga suspek patungo sa direksyon ng bayan ng Lantawan.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo at pagkaka­kilanlan ng mga suspek.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with