^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa sariling anak sa Romblon, patuloy na hinahanap ng PNP

Paul Jaysent Fos - Philstar.com
Suspek sa pagpatay sa sariling anak sa Romblon, patuloy na hinahanap ng PNP
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Erwin Roda o mas kilala sa pangalang Buknog.
Photo courtesy of Romblon News Network/Paul Jaysent Fos

(Romblon News Network) — Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station (MPS) sa Romblon ang lalaking suspek sa pagpatay sa sariling nitong anak noong hapon ng Linggo, January 15.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Erwin Roda o mas kilala sa pangalang Buknog.

Ayon kay Lt. Andres Bolinget, OIC ng Cajidiocan MPS, nangyari ang krimen sa Cantagda, Cajidiocan, Sibuyan Island, Romblon matapos ang mahabang inuman na dinaluhan ni Roda.

Dahil wala na umano itong pambili ng inumin, sinubukan niya umanong kunin ang P100 na pinatago nito sa kanyang live-in partner ngunit nagkaroon sila ng pagtatalo nang hindi ibigay ng huli ang pera. Dito na kumuha ng bolo ang suspek at sinubukang tagain ang live-in partner nito ngunit nakatakbo ang babae palabas ng bahay.

Ang batang edad halos 2 taong gulang na naiwan sa bahay ang pinagbilinan ng galit ng suspek at pinagtataga. Nagtamo ng taga ng bolo ang biktima sa likod at leeg. Dead on arrival sa ospital ang biktima ayon kay Lt. Bolinget.

Ayon sa hepe ng Cajidiocan MPS, nakaalerto na ang mga tropa ng Philippine National Police sa lahat ng exit point ng Sibuyan Island para masigurong hindi makakatakas ang suspek palabas ng isla.

 

Romblon News Network is a regional partner of Philstar.com.

vuukle comment

MURDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with