^

Probinsiya

Marine sergeant inutas ng 2 gunmen

John Unson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idineklarang dead- on-arrival sa ospital ang isang miyembro ng Phi­lippine Marine nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki kahapon ng umaga sa Cotabato City.

Kinilala ni P/Major John Vincent Bravo, chief of Police Precinct 1 ng Cotabato City Police Office, ang nasawing si Marine Sgt. Rodolfo Magno dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa ulat, si Magno ay nasa loob ng kanyang Toyota Vios na na­kaparada sa kahabaan ng Moreno Drive sa Dapdap area dahil hinihintay ang kanyang misis na may binili sa mga tindahan sa tabi ng kalsada nang lumapit ang dalawang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ng kalibre 45.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala sa ospital kung saan ito ay idineklarang dead-on- arrival.

Nasamsam ng mga pulis sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

MARINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with