Ginang arestado sa P170K shabu
MANILA, Philippines — Isang 31-anyos na ginang ang naaresto sa isang drug buy-bust operation kahapon ng umaga sa Barangay Paliparan III, Dasmariñas City, Cavite.
Ang suspek ay kinilalang si Raidah Ontawarv Pimping, residente ng Blk 37, Lot 6, Brgy. Datu Esmael, Dasmariñas City at nasa high value target ng pulisya.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provinicial Director P/Col Christopher Olazo, alas-7:00 ng umaga nang magkasa ng buy-bust operations ang pinagsanib na puwersa ng PDEU, Cavite PPO at RDEU laban sa suspek.
Nakuhanan ito ng mahigit sa 25 gramo ng shabu na may halagang P170,000.00 pesos at mga drug paraphernalias.
- Latest