^

Probinsiya

Misis tigok sa sakal ng pastor na mister

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis tigok sa sakal ng pastor na mister
Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Camalig Rural Health Unit pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima na nakilalang si Glenda Osia Diaz, 52-anyos, barangay secretary at residente ng naturang lugar.
STAR/ File

Suspek nagsaksak din sa sarili

CAMALIG, Albay MANILA, Philippines —  Patay ang isang misis na opisyal ng barangay matapos sakalin ng kanyang mister na pastor na nasa kritikal na kondisyon makaraang magsaksak din sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. 7 Poblacion ng bayang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Camalig Rural Health Unit pero idineklarang dead-on-arrival ang biktima na nakilalang si Glenda Osia Diaz, 52-anyos, barangay secretary at residente ng naturang lugar.

Inoobserbahan naman ang kondisyon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ng suspek si George Naz Diaz Jr., 44-anyos, pastor ng isang simbahan sa kanilang lugar, dahil sa malalim na saksak sa dibdib.

Sa ulat, alas-10:30 ng umaga nitong Lunes, nagpunta sa bahay ng mag-asawa si Clint Naz Diaz, kapatid ni George upang paalalahanan sana ang dalawa na magsisimula na ang misa sa kanilang simbahan.

Gayunman, walang sumasagot sa mga tawag at katok ang mag-asawa kaya kumuha na ng duplicate key si Clint at binuksan ang naka-locked na pinto ng bahay.

Nang makapasok si Clint, nagitla siya nang makitang nakadapa at patay na si Glenda habang duguan ang asawang si George at nakatarak pa rito ang isang kutsilyo sa dibdib nito.

Mabilis na rumes­ponde sa nasabing lugar ang mga pulis at rescue team mula sa MDRRMO-Camalig at isinugod ang ginang sa Rural Health Unit pero hindi umabot pang buhay habang ni-revive ang mister bago isinugod sa isang pagamutan sa Legazpi City.

Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng nag-away ang mag-asawa at sa sobrang galit ay nasakal ng mister ang misis saka ito kumuha ng kutsilyo at nagsaksak sa sarili.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with