^

Probinsiya

Lady trader pinasok, iginapos; pera, baril at mga alahas nilimas

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Lady trader pinasok, iginapos; pera, baril at mga alahas nilimas
Kinilala ang biktima na si Imelda Trajano, isang kilalang negosyante at residente sa nasabing lugar.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Philippines — Nilimas ang pera, baril at mga alahas ng isang babaeng negosyante matapos siyang pasukin ng mga magnanakaw habang natutulog sa kanyang bahay sa Barangay Malapat Cordon, Isabela kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Imelda Trajano, isang kilalang negosyante at residente sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto nang bigla siyang pasukin ng mga kawatan dakong alas-3:00 ng madaling araw. Hindi na nakapalag ang biktima nang tutukan siya ng patalim at igapos ng mga suspek na dumaan sa isa sa mga bintana ng bahay.

Kasunod nito, mabilis na kinuha ng mga suspek ang kanyang pera na nagkakahalaga sa P500,000.00, mga alahas, isang 9mm kalibre na baril at mamahaling cellular phone.

Iniimbestigahan naman ng pulisya ang guwardiya ng nasabing bahay kung sangkot sa nakawan dahil sa wala umano itong ginawa nang pasukin ng mga suspek ang kanyang amo.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with