^

Probinsiya

Pamilya ng ‘5 fallen rescuers’ inayudahan ng DSWD, Ayala Foundation

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pamilya ng �5 fallen rescuers� inayudahan ng DSWD, Ayala Foundation
Si DSWD Sec. Erwin Tulfo (ikalawa sa kanan) kasama ang mga opisyal ng Ayala Foundation Inc. sa turnover ceremony ng cash aid para sa pamilya ng Bulacan fallen rescuers, sa DSWD Central Office sa Quezon City kahapon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nagbigay ng tulong pinansyal ang Ayala Foundation katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya ng limang rescuers ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, na nagbuwis ng buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa pananalasa ng Super Typhoon Karding sa San Miguel, Bulacan.

Sa isang maigsing programa, nagbigay-pugay sina Secretary Erwin Tulfo, Ayala Foundation Inc. President Ruel Maranan at Ayala Corporation Managing Director General Emmanuel Bautista (Ret.) sa mga namayapang rescuers na sina George Agustin, 45; Troy Justin Agustin, 30; Marby Bartolome, 37; Narciso Calayag Jr., 33; at Jerson Resurreccion, 33, at bilang pagkilala sa kanilang mga kabayanihan.

Pinangunahan ni Sec. Tulfo ang turnover ng check donation ng Ayala Foundation sa pamamagitan ni Maranan sa DSWD Central Office sa Quezon City kahapon ng umaga.

“Nagbibigay-pugay po kami sa inyong mga kapamilya sa kanilang ginawang pagbubuwis ng kanilang buhay sa pagtulong sa kanilang mga kapwa…” Ang kanilang kabayanihan ang nagbibigay-buhay at inspirasyon upang patuloy na makatulong sa marami pang nangangailangan,” pahayag ni Maranan.

Ang#Brigadang Aya­la ng Ayala Group of Companies ay maagap na nag­sagawa ng relief ope­rations sa iba’t ibang bahagi ng Luzon matapos humagupit ang super typhoon Karding.

“We’d like to thank Ayala Foundation for always being there in times of crisis. Ang Ayala Foundation po ay nariyan at ka-partner po ng pamahalaan sa pagtulong sa tuwing mayroong sakuna at crisis ang ating bayan,” pahayag pa ni Tulfo.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with