Wanted person, patay sa pulis
MANILA, Philippines — Isang lalaki na wanted sa kasong murder at panggagahasa ang napatay matapos manlaban sa mga aarestong pulis, naganap kahapon ng madaling araw sa Zamboanga Sibugay.
Idineklarang dead on arrival sa RT Lim Family Hospital ang suspek na si Rasol Motabil Canda, residente ng Brgy.Tupilac, RT Lim, Zamboanga Sibugay dahil sa tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Si Canda ay may mga warrant of arrest sa Zamboanga Sibugay 9th Judicial Regional Trial Court (RTC) sa mga kasong murder at rape with homicide.
Ayon kay Police Major Shellamie Chang, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO) 9, alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng RT Lim Municipal Police Station kasama ang iba pang unit ng pulisya upang isilbi ang warrant of arrest laban sa suspek sa kanyang tinitirahan.
Subalit sa halip na sumuko ay nagpaputok ang suspek ng kalibre .38 baril na naging dahilan ng pagganti ng mga pulis. May hawak ding granada ang suspek.
- Latest